You are currently viewing PLP3 Payout Day 2

PLP3 Payout Day 2

Share this:

Matagumpay na natapos ng DSWD RO8 Biliran SWAD Team ang pamamahagi ng cash assistance para sa 77 beneficiaries galing sa mga distrito ng Biliran, Cabucgayan at Caibiran noong Enero 16, 2021 sa BILECO Compound, Brgy. Caraycaray, Naval, Biliran sa ilalim ng Pantawid Liwanag Program 3 ng Association of Philippine Electric Cooperatives (APEC) party-list. Natapos ang unang araw ng pamamahagi noong Enero 15, 2021 na kung saan ay 90 beneficiaries ang nakatanggap ng cash assistance.

Dumalo sa nasabing payout si BILECO General Manager Gerardo N. Oledan na nagpahayag ng pasasalamat sa APEC sa binigay na tulong para sa mga miyembro-konsumedor nito.

Inihayag din ni GM Oledan ang pasasalamat sa iba pang programa ng APEC na kung saan ay kasama ang BILECO sa mga natulungan na nito kagaya ng Medical Assistance for Indigents Program (MAIP) ng DOH at ng DOLE-TUPAD na plano ring i-avail ng kooperatiba ngayong taon para matulungan ang ating mga MCOs na nawalan ng trabaho o hanapbuhay nang dahil sa pandemyang kinakaharap ng ating bansa at ng buong mundo.

167 lahat na mga benepisyaryo mula sa pitong (7) distrito sa franchise area ng BILECO ang nakatanggap ng PHP3,000.00 cash assistance upang matulungan ang ating naghihikahos na mga MCOs. Lubos naman na pasasalamat ang ipinahiwatig ng mga miyembro-konsumedor na nakatanggap ng cash assistance mula sa APEC party-list dahil ito ay maituturing nila na malaking tulong para sa kanilang pamilya lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

Patuloy na maghahatid ng tulong ang APEC kasama na ang iba pang miyembro ng power bloc sa konggreso, ang PHILRECA, RECOBODA at Ako Padayon party-lists kaagapay ang One EC Network Foundation para makamit ang mga layunin ng One EC MCO Movement para sa ikabubuti ng ating mga MCOs hindi lamang dito sa probinsya ng Biliran kundi pati na rin sa iba’t ibang probinsya at electric cooperatives sa buong bansa.

Facebook link: https://www.facebook.com/bilecoofficial/posts/1847805498718677

Leave a Reply